top of page
Writer's pictureCandle Pen

Mga patimpalak tampok ngayong Buwan ng Wika

Updated: Nov 2

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, pa­ngungunahan ng mga guro ng Kagawaran ng Filipino ng iba’t ibang aktibidad sa buong buwan ng Agosto.


Sa pamumuno ni Gng. Wilma Caspillo, pasisiglahin ang kalagayan ng wika sa loob ng multikultural na paaralan.


Ang mga aktibidad ay patimpalak sa pagbigkas, pagbaybay, pagsayaw at pag-­awit na lalahukan ng mga mag-aaral mula sa ika-2 hanggang 11 na baitang.


Para sa hayskul, magtutuos ang mga mag-aaral sa Hugot Patula (ika-11 na baitang), Modernong Sa­yaw (ika-9 at 10 na baitang) at Interpratibong Sayaw (ika-7 at 8 na baitang).


Ang mga mag-aaral naman sa elementarya ay makikilahok sa Bigsaywit (ika-5 at 6 na baitang), Sabayang Pagbigkas (ika-3 at 4 na baitang) at Pagbigkas ng Tula (ika-2 na baitang).


Isinaalang-alang din ng departamento ang mga banyagang mag-aaral na kumukuha ng programang Special Fi­lipino kung saan lalahok sila sa Pagbabaybay (SFC 1), Pili­pitang-dila (SFC 2) at KaraOk (SFC 3).


Nakatuon ang okasyon sa temang “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino”.


Story by Patrick Lo



1 view0 comments

Comments


bottom of page